Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang pagkilos ng iba’t ibang Lokal na Pamahalaan partikular iyong mga tinamaan ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, nagkakaisa ang mga Local Chief Executives gayundin ang iba’t ibang Local Disaster Risk Reduction and Management Offices para tulungan ang mga naapektuhan ng kalamidad.
Sinabi ni Año, nakikiisa ang buong kagawaran sa buong bansa sa pag-aalay ng panalangin sa mga Mindanaoan kaya’t maka-a-asa aniya ang mga ito ng buong suporta mula sa Pamahalaan lalo na kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Tuluy-tuloy din aniya ang buhos ng mga tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Ngayon aniyang nababalot ng takot at pangamba ang marami sa mga Pilipino dahil sa inaasahang mas malalakas na lindol sa hinaharap, panawagan ng Kahilim ay manatiling kalmado at sama samang harapin ang hamon para sa kaligtasan ng lahat sa tulong ng dakilang lumikha.