Tiniyak ng Department of Interior and Local Government na may mga ulong gugulong sa nangyaring pagpatay ng mga pulis sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo.
Ayon kay DILG Secretary Mike Sueno, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na malaki ang pananagutan ni SPO3 Ricky Sta. Isabel at mga kasama nito sa pagpatay sa naturang negosyante.
Maliban kay Sta. Isabel, iniimbestigahan na rin ang mga pang mga kasabwat nito na sina SPO4 Roy Villegas, Ramon Yalong at mga kinilala sa alyas na pulis, Jerry, sir Dumlao at Ding.
Bukas din si Sueno sa mga ikinakasang imbestigasyon ng Kamara at Senado hinggil sa usapin upang hindi na ito maulit pa sa hinaharap.
By: Jaymark Dagala