Tiniyak ng Department Of The Interior And Local Government (DILG) na nasusunod ang mga guidelines sa mga lokal na pamahalaan partikular na sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette na nasa evacuation centers.
Ito ang naging tugon ni Dilg Secretary Eduardo Anio kung saan nababahala si Dr. Tony Leachon sa lagay ng mga nasa evacuation centers.
Binigyang diin ni anio na naipatutupad ang mga health protocols sa mga evacuation centers na patuloy na binabantayan ng DOH.
Aniya, nakaalerto na rin ang mga local epidemiology , surveillance units, at contact tracers para sa posibleng pagtaas ng kaso sa bansa.
Bukod dito, patuloy namang nakikipag-ugnayan ang dilg sa mga alkalde sa mga nasalantang lugar ng bagyo.