Tiniyak ng DILG sa publiko ang patuloy na pagrespeto ng gobyerno lalo na ng PNP kasabay ng implementasyon ng enhanced community quarantine laban sa banta ng COVID-19.
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesman Jonathan Malaya walang dapat ipangamba ang publiko dahil sinusunod ng gobyerno ang konstitusyon at bill of rights.
Sinabi ni Malaya na mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ang naglinaw na hindi martial law ang idineklarang state of public health emergency at enhanced community quarantine.
Binigyang diin ni Malaya na umiiral ang karapatang pantao sa lahat ng kanilang programa kabilang na ang mga hakbang kontra COVID-19.
Dahil dito inihayag ni Malaya na hinihimok aniya ni DILG Secretary Eduardo Ano ang publiko nai-report ng mga mapang-abusong local official at maging mga pulis sa 09274226300, 09150054535, 09617721668, 09613849272 at 88763454 local 8801 hanggang 8815.
Bukas aniya ang mga naturang numero para tumanggap ng concerns ng publiko at para na rin makaresponde sila sa iba’t-ibang lugar.