Babantayan ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang mga Local Government Unit o LGU na nagkaroon ng problema sa pamamahagi nOon tulong sa ilalim ng Social Amelioration Program o SAP.
Ito’y kaugnay sa pamamahagi naman ngayon ng ayuda sa mga residente ng NCR plus na naapektuhan ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, naiparating naman ang tulong noon sa mga nangangailangan ngunit nagkaroon ng problema ang ilang lgu pagdating sa pamamahagi kung saan ang ilan ay nadelay o natagalan.
May listahan aniya sila ng mga LGU na ito kung saan ang ilan pa umano ay pinadalhan ng show cause order para magpaliwanag kung anong dahilan ng pagkaantala sa pamamahagi nuon ng sap.
Ani malaya nais lamang nilang tiyakin na hindi na mauulit ang mga problemang nangyari nuon sa pamamahagi ng tulong ngayon sa mga apektado ng ECQ sa NCR plus.