Umapela ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Chief Executives na kumilos at ipakita ang kanilang husay sa pamumuno sa gitna ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ngayong may krisis na kinakaharap ang bansa makikita kung papaano magiging epektibo sa kani-kanilang posisyon ang mga lokal na opisyal.
Ani Malaya, layon ng enchanced community quarantine na panatilihin ang mga tao sa loob ng kani-kanilang bahay upang maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19.
Ngunit mayroon umano silang natatanggap na ulat na isang LGU ang namigay ng pagkain ngunit pinapila ang mga tao dahilan para hindi ma obserba ang social distancing.