Hiniling ni Deputy Speaker at Batangas Representative Raneo Abu na ipatawag sa Mababang Kapulungan si Department of Interior and Local Government o DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.
Ito ay para bigyang linaw ang paratang ni Diño na may ilang kongresista ang nakikialam at namimili ng boto para sa napipisil nilang kandidato sa nagdaang barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Hinamon ni Abu si Diño na pangalanan ang mga sinasabi nitong kongresista na sangkot sa vote buying.
Iginiit ng mambabatas na nakasisira sa buong institusyon ng Mababang Kapulungan ang mga akusasyon ni Diño.
Sa panayam naman ng DWIZ, ipinaliwanag ni Diño na hindi lang naman mga kongresista ang kanyang idinawit sa isyu ng vote buying kundi maging ang ilang alkalde.
Nanindigan ang opisyal na wala siyang ginawang mali sa kanyang mga naging pahayag pagkatapos ng barangay elections.
“Ang akin kasi lumapit sa akin ang mga tao pero ang sinabi ko mag-affidavit kayo at maglabas kayo ng mga ebidensya, dahil hindi ako magsasalita hangga’t wala ‘yan, sinabi ko naman sa kanila kung saan nila irereklamo, hindi sa DILG, magreklamo sila sa COMELEC o sa Congress, ‘yun lang naman ang sinabi ko eh pinalaki nang pinalaki ng mga ito.” Ani Diño
(Balitang Todong Lakas Interview)