Wala pa umanong basehan upang itaas ang alert level sa bansa sa gitna ng muling pagsirit ng Covid-19 cases ngayong holiday season.
Ito ang inihayag ni Interior Secretary Eduardo Año taliwas sa pahayag ng palasyo.
Ayon kay Año, tatalakayin pa ng inter-agency task force for the management of emerging infectious diseases ang issue.
Tiniyak naman ng kalihim na mahigpit nilang ipatutupad ang minimum public health standards upang maiwasan ang mga super spreader event.
Nito lamang martes ay ibinabala ni Octa Research Fellow, Dr. Guido david na maaaring higit pa sa “holiday uptick” ang dahilan ng panibagong serye ng pagtaas ng Covid-19 cases.