Itinanggi ng may-ari ng Dimple Star Bus na si Hilbert Napat na binili sa junkshop ang mga piyesa ng naaksidente nilang unit sa Sablayan, Occidental Mindoro, noong isang buwan.
Ayon kay Napat, hindi sa junkshop nagmula ang mga piyesa bagkus ay pawang suprlus ang mga ito taliwas sa nauna niyang pahayag.
Gayunman, hindi kumbinsido ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa pagkambyo ni bus firm owner.
Ayon kay L.T.F.R.B. BOARD Member, Atty. Aileen Lizada, “under oath” na si napat at kailangang ipaliwanag nito kung bakit “bulok” na ang mga piyesa batay sa pagsasaliksik ng ahensya.
Ipinunto naman ni Lizada na hangga’t hindi pa nakapapasa sa inspeksyon ng L.T.F.R.B. at L.T.O. ay hindi pa rin makabibiyahe ang mga unit ng Dimple Star.
Labinsyam katao ang nasawi nang mahulog sa bangin ang isa sa mga bus ng Dimple Star sa Sablayan noong Marso 21.