Nakapagtala ng pitong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Dinagat Islands makaraan ang ilang buwan ng pagiging COVID-free ng probinsya.
Ayon sa Provincial Inter-Agency Task Group, nagpositibo kasi sa RT-PCR test ang pito sa 10 samples na dinala sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.
Apat sa mga nagpositibo ay mula sa bayan ng Loreto, dalawa mula sa Cagdianao at isa naman mula sa San Jose.
Sinasabing dumating sa lalawigan ang mga pasyente noong July 31 at agad silang isinalang sa mahigpit na mandatory quarantine.