Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang isla ng Dinagat, pasado alas-diyes kaninang umaga.
Naitala ng PHIVOLCS ang sentro ng lindol 49 kilometro hilagang-silangan ng Loreto, Dinagat Islands.
May lalim naman itong 30 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.
Samantala, nagbabala naman ang PHIVOLCS sa posibleng mararanasang aftershocks matapos ang nangyaring pagyanig.