Magkakasa ang National Task Force Against COVID-19 ng isang fact finding investigation upang tingnan ang mga naging paglabag nila Presidential Spokesman Harry Roque at Senator Manny Pacquiao.
Ito’y makaraang dagsain ng publiko ang naging talumpati ni Roque sa pagbubukas ng Bantayan Island Airport sa Cebu na dinumog ng malaking bilang ng tao.
Habang kumalat din sa social media ang isang talumpati ni Pacquiao sa batangas kung saan, kapwa hindi nasunod ang physical distancing sa dalawang nabanggit na okasyon na siyang mahigpit namang ipinatutupad ng gubyerno.
Ayon kay NTF – COVID-19 Vice Chair at DILG Sec. Eduardo Año, dapat magpakita ng mabuting halimbawa ang mga opisyal ng gubyero sa pagsunod sa mga alituntuning kanilang nais ipatupad.