Ipinauubaya na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga local government units (LGUs) ang papayagan nilang kapasidad sa mga dine-in restaurants.
Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, nais ng karamihan sa mga alkalde sa Metro Manila na unti-unti lamang ang gawing pagpapaluwag sa quarantine.
Sa ilalim kasi ng general community quarantine (GCQ) na syang klasipikasyon ngayon ng Metro Manila ay pinapayagan na ang 50% kapasidad sa mga dine-in restaurants.
Gayunman, dahil anya sa may agam-agam pa ang maraming alkalde ay ipinauubaya na nila sa mga ito ang desisyon kung nais nila ng mas mababa pa sa 50% operating capacity ng mga restaurants.
Ang agam-agam rin ng mga LGUs anya ang dahilan kayat ibinalik nila sa alas-8 ng gabi ang simula ng curfew mula sa dating alas-10 ng gabi sa ilalim ng GCQ.