Maaari nang tumanggap ng dine-in customer ang mga restaurant sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) kabilang na ang Metro Manila simula sa ika-15 ng Hunyo.
Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekumendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa gradual opening ng mga restaurant.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, sa gradual opening na ito ng mga restaurant ay 30% lamang ng kanilang operating capacity ang pinapayagan.