Pinayagan na rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang dine in sa mga samgyupsal restaurants simula sa June 15.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castello, dalawang tao lamang ang papayagang umupa sa isang mesa na para sa apat katao.
Hindi rin sila papayagang mag face to face kundi magkatabi subalit dapat ay sapat na distansya para sa social distancing.
Katulad ng ibang mga restaurants, 30% ng kanilang kapasidad lamang ang maaaring sabay-sabay na papasukin sa restaurants.