Maaari nang mag-operate hanggang 9 p.m. ng gabi ang dine-in services sa mga food establishments.
Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod na rin aniya ng naging pasiya ng Inter-Agency Task Force on coronavirus disease 2019 (COVID-19) response (IATF).
Ayon kay Roque, ang nabanggit na pagbabago ay kasunod na rin ng pasiya ng mga local government units (LGU)’s na bawasan ang oras ng ipinatutupad na curfew hours na ngayo’y mula 10 p.m. ng gabi hanggang 5:00 a.m. ng umaga.
Magugunitang, pinayagan na ng pamahalaan ang pagbabalik ng dine-in services sa mga food estblishments ng hanggang 30% kapasidad sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at 50% kapasidad sa mga lugar na naka-modified GCQ.