Posibleng payagan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang dine-in operations ng mga restoran.
Ito, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ay kung makukumbinsi na ang gobyerno sa mga ilalatag na health at safety protocols laban sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Lopez pinapayagan na kasi nila ang partial na pagbubukas ng take-out at delivery services sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine tulad ng Metro Manila, Laguna at iba pang bahagi ng Gitnang Luzon.
Giit ni Lopez, malaki ang tsansang payagan na ang dine-in services pero dapat ay limitado ang kapasidad at mahalagang ipatupad pa rin ang social distancing guidelines.