Ibinahagi ng singer na si Jessa Zaragosa na isinugod sa ospital ang kaniyang asawa na si Dingdong Avanzado matapos na makagat ng mga bubuyog sa isang golf area.
Sa kaniyang instagram account, nag-post si Jessa ng litrato nito habang nasa hospital bed.
Aniya, nag-alala siya kay dingdong dahil nagtamo ito ng apat na pung kagat ng mga bubuyog.
Samantala, tiniyak naman ng singer na maayos ang kalagayan ng kaniyang asawa sa ngayon. — sa panunulat ni Airiam Sancho