Ikinagulat ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang balitang may inilulutong project para sa kanila ng kapamilya star na si Vice Ganda.
Aminado si Dingdong na wala pa siyang ideya sa nasabing proyekto pagbibidahan nila ni Vice na hango umano sa pelikulang “The Greatest Showman.”
Sinasabing magiging entry din ang naturang pelikula sa Metro Manila Film Festival.
Sa kabila nito, bukas si dingdong na makatambal si vice para sa inaasahan na namang blockbuster film.
Samantala, nagpasalamat naman ang Kapuso star sa mga tumangkilik at nanonood ng pelikula nila ni Anne Curtis na “Sid and Aya” na umabot na sa 100 million pesos ang kita sa takilya.
Inaasahang lolobo pa ang ticket sales ng “Sid and Aya” lalo’t showing pa rin ito sa mga sinehan.