Excited ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes na muling gumawa ng pelikula sa Star Cinema.
Nitong Martes ay inanunsyo na lalabas si Dantes sa upcoming movie na ‘The Unmarried Wife’ kasama ang Kapamilya stars na sina Paulo Avelino at Angelica Panganiban.
Ito na ang ika-apat na pelikula ni Dantes sa Star Cinema matapos ang ‘Segunda Mano’ noong 2011, ‘One More Try’ (2012) at ‘She’s the One’ noong 2013.
Sa isang press conference sinabi ni Dantes na excited siya sa movie project dahil sa magandang tema at kwento nito. Looking forward din aniya siya na makatrabaho ang Kapamilya stars kabilang na si Angelica na una na niyang nakasama sa pelikulang One More Try.
Ang pelikula ay iikot sa kwento ng isang babae kabilang na ang kanyang asawa at ang kanyang kabit.
Nang tanungin kung gusto ba niyang maging lover o husband sa pelikula sinabi ni Dantes na: “Siyempre hanggat maaari ay malayo sa totoong buhay kaya challenge sa amin ni Paulo ‘yon. Kakabigay lang sa amin ng istorya; nasa proseso pa kami para buuin kung ano ang ibinigay sa amin. So the journey begins kung sino man sa amin ‘yon (ni Paulo).” Pahayag ni Dantes.
Ang pelikulang The Unmarried Wife ay sa direksyon ni Maryo J. De Los Reyes.
PHOTO: Screengrab from Reyma Buan-Deveza Twitter