Patay na ang alkalde ng Loreto, Agusan del Sur at anak nitong una nang dinukot ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) kagabi.
Sinabi sa DWIZ ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Col. Restituto Padilla na natagpuang patay sina Mayor Dario Otaza at anak na si Darryl sa isang masukal na lugar sa Purok Dos, Brgy. Bitan-agan sa Butuan City at tinali ng parang hayop.
Alas-5:00 aniya kaninang madaling araw nang matagpuan ng mga residente ang labi ng mag-ama sa nasabing lugar na pinanggalingan ng malakas na putok.
Ayon kay Padilla, maaaring pinaghigantihan ng mga dating kasamahan ni Otaza sa NPA dahil umayos ang bayan ng Loreto sa kamay ng alkalde na isa ring Lumad leader at marami na ring natatanggap na pagbabanta sa kaniyang buhay.
“Tuluy-tuloy po ang ating operasyon ngayon diyan, last term na po ni mayor ito ano po siya lagging nae-elect po dahil sa kanyang isinasagawang pagbabago sa lugar ng Loreto, pero last term na po niya ito at hindi na siya tatakbo uli, pero yung mga bata sa buhay niya ay patuloy na dumarating simula nang maging mayor siya at magbalik-loob sa government.” Pahayag ni Padilla.
By Judith Larino | Karambola