Pinalaya na ng New People’s Army ang binihag nitong small-scale gold mining operator sa Agusan Del Sur matapos ang dalawang araw.
Pinakawalan si Carson Ceasar Lademora sa barangay Crossing Magtuyom, sa Bislig City, Surigao Del Sur sa tulong ng negosyador na si Councilor Belarmino Balagot.
Hindi naman matiyak ni Balagot kung may ransom kapalit ng kalayaan ni Lademora na sinundo lamang umano sa Bislig City matapos siyang tawagan ng commander ng N.P.A.
Wala anyang sapat na ebidensya ang NPA front 14 na nananamantala ng mga maliit na minero si Lademora kaya ito pinalaya.
By: Drew Nacino