Target ni Brooklyn Nets Guard Spencer Dinwiddie ang makapaglaro sa basketball team ng Nigeria para sa Olympics.
Batay sa ulat, sumasailalim na si Dinwiddie sa proseso para makakuha ng Nigerian passport.
Ito ay matapos namang hindi umano maimbitahan si Dinwiddie na makapaglaro para sa team USA.
Una nang nakuwalipika sa Olympics ang basketball team ng nigeria matapos itong manguna sa lahat ng mga African teams sa 2019 FIBA World Cup.
Ang Tokyo Olympics ay ipinagpaliban naman sa 2021 dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.