Bibili ng bakuna kontra COVID-19 ang Diocese of Bataan.
Ayon kay Bataan Bishop Ruperto Santos, ito’y bahagi ng kanilang free vaccination program para sa mga pari, magulang, at sa lahat ng mga taong simbahan.
Sinabi ni Santos na katuwang nila sa programa ang pamahalaang panlalawigan ng Bataan.
Bagama’t handa siyang magpabakuna, nilinaw ni Santos na hindi sapilitan ang pagbibigay ng vaccine dahil sa bandang huli ay ang bawat miyembro pa rin ng simbahan ang magpapasya kung magpapabakuna sila o hindi.