Hinimok ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang kongreso na respetuhin ang veto power ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y sa gitna ng alegasyong bubuhayin ng DBM ang kontrobersyal na 75 billion peso “insertion” sa 2019 national budget ng Department of Public Works and Highways na ni-realign sa ibang proyekto.
Ayon kay Diokno, hindi tamang manghimasok ang isang mambabatas sa constitutional power ng pangulo.
Nag-ugat ang pahayag ng kalihim sa banta ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya na kukuwestyunin nito sa Supreme Court kung bubuhayin ang sinasabing 75 billion peso pork sa 2019 General Appropriations Act sa pamamagitan ng veto power ng pangulo.
Gayunman, iginiit ni Diokno na ispekulasyon lamang ito ni Andaya at sa katunayan ay maaaring i-veto ng punong ehekutibo ang mga partikular na line items sa budget pero hindi maaaring magpasok ng bagong items o ibalik ang mga inalis ng Kongreso.