Nakukulangan pa rin ang ekonomistang si Professor Benjamin Diokno sa hakbang ng pamahalaan upang mai-angat ang ekonomiya ng bansa.
Ito ay sa kabila ng ulat ng World Bank kung saan ay sinasabing ang Pilipinas ang isa sa mga bansa sa Silangang Asya na may mabilis na pag-unlad sa ekonomiya dahil sa inaasahang pag-akyat sa 6.4 percent ng ating economic growth.
Ayon kay Diokno, bagamat umaangat ang ekonomiya ng bansa ay hindi aniya dapat makaligtaang ang Pilipinas pa rin ang isa sa mga mahihirap na bansa sa Asya.
“Nakaka-experience ng tinatawag na extreme poverty, sa Thailand zero, Malaysia zero din, walang ganung klaseng tao na mahirap, so dapat makikita din natin yun. Lumalago tayo pero talagang tayo pa rin ang pinakamhirap.” Pahayag ni Diokno.
By Ralph Obina | Ratsada Balita