Tinawag na ‘overacting’ ni dating Budget Secretary Benjamin Diokno ang halos 200 pagpupulong sa Pilipinas bilang bahagi ng taunang Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni Diokno na ang mga bansa na naging host na ng APEC ay nag-aaverage lamang ng 50 meetings kung saan higit triple ang ginawa ng ating bansa dahil pumalo ito sa 175 meetings.
Subalit para naman kay Diokno, walang direktang benepisyo ang Pilipinas sa APEC.
“Di ko pa rin masasabi na magbe-benefit kasi wala rin namang nagpupuntang merong direct investment dito sa kakulangan ng infrastracture, power rates natin napakataas, internet natin napakamahal at unreliable, patakaran natin diyan is tinatawag kong policy consistency.” Pahayag ni Diokno.
By Jelbert Perdez | Karambola