Magiging import ng Rain or Shine si dating Ginebra at Globalport Reinforcement Dior Lowhorn sa nalalapit na PBA Governors Cup.
Matatandaang naglaro si Lowhorn para sa Ginebra noong 2013 Governors Cup at naging bahagi rin ng Globalport sa 2014 Governors Cup.
Si Lowhorn ay nag-a-average ng 30.9 points at 11.3 rebounds sa Ginebra habang 28.8 points at 11 rebounds kada laro sa Globalport.
Makakapiling ni Lowhorn ang Elasto Painters sa 2016 PBA Governors Cup na magbubukas sa hulyo 15.
By: Jelbert Perdez