Diphtheria ang ikinasawi ng isang 10-taong gulang na mag-aaaral sa Pandacan sa Maynila.
Ito ang kinumpirma ni Department of Health (DOH) Undersecretary Eric Domingo batay aniya sa resulta ng isinagawang pagsusuri sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Magugunitang una nang pinaghinalaang diphtheria ang ikinasawi ng naturang estudyante kaya’t agad na ipinasuri ito sa RITM.
Ang diphtheria ay isang sakit na dulot ng impeksiyon ng bacteria sa ilong at lalamunan kung saan ang pagkaranas ng sore throat, lagnat at panghihina ang biktima ang sintomas nito.