Lima ang nasawi sa Bicol Region dahil sa diphtheria.
Ipinabatid ito ng Department of Health (DOH), dahil na rin sa pangamba sa pagpapabakuna kaya’t patuloy nitong hinihikayat ang pagpapabakuna kontra sa mga sakit.
Samantala, ilang senior citizens sa Cagayan ang hindi natakot magpabakuna ng anti-flu shot sa kabila ng dengvaxia scare, gayundin ang 16 na sanggol.
Tiniyak muli ng DOH ang taun-taong pagsasagawa ng flu vaccination.