Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang diphtheria outbreak sa bansa.
Ayon kay DOH children’s health development division – disease prevention and control bureau OIC – Chief Dr. Anthony Calibo, hindi naman katanggap-tanggap ang insidente ng pagkamatay ng isang bata sa Maynila dahil sa naturang sakit.
Aniya, maaring maiwasan ang naturang sakit sa pamamagitan ng bakuna.
Sa tala ng DOH, mula lamang nitong Enero a – uno hanggang Setyembre a- syete ay umabot na sa 167 ang diphtheria cases sa buong bansa kung saan 40 sa mga ito ay binawian ng buhay.
Sa kabila nito, ipinaliwanag ni Calibo na nasa usual range pa rin ang naturang mga bilang at nanatiling kontrolado ito.