Kailangan gamitin ng pamahalaan ang diplomacy para alamin ang detalye ng direktiba ni US President Donald Trump na ipatigil muna ang kanilang ibinibigay na foreign assistance.
Ayon kay Senator Loren Legarda, mahalaga na makipag-usap ang Department of Foreign Affairs sa kanilang counterpart sa Estados Unidos hinggil sa naturang usapin.
Sa ngayon masyado pa anyang maaga at masyado pang fresh ang direktiba para makita ang implikasyon nito sa Pilipinas.
Una rito, nag isyu si Trump ng kautusan para sa siyamnapung araw na suspensyon ng kanilang foreign development assistance, na sinundan ng pangamba ng ilan na makaapekto sa tulong ng Estados Unidos sa bansa, partikular sa Armed Forces of the Philippines.
Bunsod ng aksyong ito, inihayag ni Legarda na talagang kailangang palakasin ng Pilipinas ang sarili nitong pananalapi at ang kakayanan ng AFP. – mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)