Nananatiling pinaka-mainam na paraan ang diplomasya upang tugunan ang issue sa maritime dispute sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez kasabay ng ika-anim na anibersaryo ng Arbitral Ruling na nagpatibay sa soberanya ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo sa Spratly Islands.
Gayunman, tiniyak ni Romualdez na sakaling tumindi ang panghaharass, partikular ng China ay handa naman ang Pilipinas na pigilin ito.
Dapat anyang suportahan ng lahat ng stakeholders ang nasabing desisyon ng Permanent Court of Arbitration at iwasan ang tensyon sa halip ay panatilihin ang kooperasyon.
Aminado naman si Romualdez na ang China at Maritime dispute sa West Philippine Sea ang pinaka-malaking hamon sa foreign policy ng Pilipinas sa panahon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.