Kumpiyansa ang pamahalaan na mahalaga ang diplomatikong pamamaraan ng Pilipinas sa pagtugon sa usapin sa teritoryo.
Sa bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni National Maritime Council Spokesman Alexander Lopez na ang diplomatikong hakbang ng pamahalaan ay nagpapatibay hindi lamang sa ugnayan nito sa mga kasalukuyang treaty allies, kundi maging sa pagkakaroon ng bagong kaalyado.
Ayon kay Spokesman Lopez, ang estratehiyang ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palakasin ang diplomatic engagement, gayundin ang multilateral at bilateral na pakikipag-ugnayan.
Dagdag pa ng opisyal, patuloy din ang Pilipinas sa pakikipag-usap sa China bilang bahagi ng mga diplomatikong hakbang sa maritime issues. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)