Kinumpirma ni Foreign Secretary Teodoro Locsin na nakapaghain na siya ng diplomatic protest hinggil sa nangyaring banggaan sa Recto Bank sa West Philippine Sea kung saan tinamaan ng barko ng China ang bangkang pangisda ng Pilipinas.
Nakasaad sa Twitter post ni Locsin na nag-‘fired off’ na siya ng diplomatic protest, kahapon, Hunyo 12.
Samantala, tinawag namang “barbaric” at “uncivilized” ni Presidential spokesman Salvador Panelo ang naturang pagkilos ng mga tao ng China.
Magugunitang sinabi rin ni Armed Forces of the Philippines Western Command spokesman Lieutenant Colonel Stephen Penetrante na posibleng sinadya ang naturang banggaan… kung aksidente aniya ito ay dapat na tinulungan sana ng mga Chinese crew ang mga mangingisdang Pilipino.