Kinumpirma ni National Security Adviser Sec. Hermogenes Esperon Jr na naghain na ng Diplomatic Protest ang Pilipinas laban sa China.
Ito’y kasunod ng panibagong panghihimasok ng China Coast Guard sa karagatang sakop ng Pilipinas partikular na sa Scarborough o Panatag Shoal.
Sa pagdalo ni Esperon sa signing ng Peace Covenant ng AFP, PNP at COMELEC sa Samar, sinabi niyang mas pinipili ng Pilipinas na resolbahin ang usapin sa diplomatikong paraan.
We are for peace in the area and therefore, the first approach would most likely be diplomatic and we have been filing the diplomatic protest. The Department of Foreign Affairs as a member of a national task force and as a of course Department, it is on functions, will always fight for the diplomatic protest and any diplomatic action.
Ang pinakahuling insidente ng girian sa pagitan ng mga Coast Guard vessels ng Pilipinas at China nuong Marso 2 ang ika-4 na pagkakataon subalit mas minabuti nilang hindi na muna isapubliko upang magbigay daan sa mas mapayapang hakbang.
You know of course known that we are missing half of our force system, whether it’s a bureau of fisheries or Coast guard , isa sa mga ginagawa natin yun, hindi naman mabilisan, ngayon kung sumagot yung China na to the contrary , then there is a corresponding action from the Department of Foreign Affairs, kung sinabi nilang that’s part of our sovereignity , sinasabi natin that’s part of our territory.
– ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)