Agad naghain ng “diplomatic protest” ang Pilipinas laban sa China makaraang mapaulat na naglagay ito ng anti-aircraft at anti-missile weapons sa mga artipisyal na isla sa West Philippine Sea.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay Jr., ipinalabas ng pamahalaan ang “note verbale” o diplomatic communication kasunod ng report ng center for strategic and international studies ng Estados Unidos hinggil sa nasabing hakbang ng China.
Nilinaw naman ng kalihim na hindi idadaan ng pilipinas sa dahas o “provocative” na aksyon ang reklamo laban sa china na lalong magpapalala sa sitwasyon.
By Jelbert Perdez