Pinaghahandaan na ng Pilipinas ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China.
Ito’y matapos mamataan ng militar ang Chinese vessel sa karagatang sakop ng Calayan island sa Cagayan Province noong Setyembre 18.
Ayon kay AFP Northern Luzon Command Chief Lt. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos, nagpadala agad sila ng tauhan para subukang sindakin ang naturang Chinese vessel na nasa loob na ng Exclusive Economic Zone ng bansa.
Isa pa umanong sasakyang pandagat ang kanilang pinadala para tingnan kung naroon pa ang Chinese vessel at hindi nga sila nabigo.
Ngunit ayon umano sa opisyal ng naturang sasakyang pandagat humanap lang sila nuon ng ligtas na lugar matapos makaranas ng hindi magandang panahon sa karagatan.
Sa ngayon ay nakapagsumite na ang AFP ng ulat sa Department of Foreign Affairs kaugnay sa pagpasok ng naturang Chinese vessel sa teritoryo ng Pilipinas.