Naghain ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China kaugnay ng “close distance maneuvering” incident ng barko ng Chinese Coast Guard sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc o Panatag Shoal.
Kinumpirma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na Marso a-2 nang mangyari ang paglapit ng barko ng China sa BRP Malabrigo na paglabag sa 1972 International Regulations for Preventing Collisions at Sea.
Una nang iginiit ng China na may soberenya sila sa Panatag Shoal dahil bahagi umano ito ng kanilang teritoryo at nakiusap pa ito sa pcg na respetuhin ang claim ng China sa nasabing katubigan.
Samantala, nanindigan ang Malacañang na teritoryo ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc. — sa panulat ni Mara Valle