Naghain na ang Pilipinas ng panibagong diplomatic protest laban sa paglalayag ng mga Chinese war ship sa West Philippine Sea.
Sa Twitter post ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin, sinagot nito ang pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr na nagrekomenda ng paghahain ng protesta.
Aniya, pinag aralan niya ang naging rekomendasyon ng kapwa cabinet official dahil sa ulat na inilatag ng militar.
Una nang napabalita ang paglalayag ng Chinese warships sa Sibutu Strait kung saan pinatay pa ng mga ito ang kanilang automatic identification system upang hindi ma monitor.