Nakatakdang makipagpulong si Labor Secretary Silvestre Bello III kay Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwakh ngayong araw.
Kasunod ito ng pagpapalabas ng diplomatic protest ng Kuwaiti government laban kay Philippine Ambassador Renato Pedro Villa dahil sa hindi umano tamang paraan sa pagsagip sa mga distressed Filipino workers sa nasabing bansa.
Ayon kay Bello, nais niyang malaman kung saan nag-ugat ang inihaing protesta ng gobyerno ng Kuwait gayung nararapat lamang aniya ang ginagawang pag-rescue ng embahada sa mga inaabusong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nasabing bansa.
Naniniwala naman si Bello na walang magiging epekto ang paghahain ng protesta ng Kuwait laban sa Pilipinas sa nabuong kasunduan ng dalawang bansa kaugnay ng pangangalaga sa karapatan ng mga OFW sa nasabing bansa.
“Sa akin naman huwag naman sana silang magalit dahil trabaho naman natin ‘yun na mailigtas sila sa kapahamakan, ang hindi ko lang alam kung bakit, ‘yan ang gusto nating malaman, aalamin ko ‘yan.” Pahayag ni Bello
(Ratsada Balita Interview)