Tanging ang paghahain ng diplomatic protest at negosasyon ang mga pinakamabisang paraan para maresolba ang sigalot ng Pilipinas at China sa South China Sea.
Paniniwala ito ng Palasyo sa gitna na rin nang agresibong hakbangin ng China sa South China Sea kabilang na ang poaching o pangunguha ng Chinese vessels ng giant clams o taklobo sa Scarborough Shoal.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kahit na nagpasaklolo na ang IBP o Integrated Bar of the Philippines sa Korte Suprema para mag isyu ng writ of kalikasan, negosasyon pa rin ang pinakamabisang paraan sa nasabing problema.
Dapat aniyang maging maingat ang mga petitioner at ikunsider ang ibang bagay.
Ayon kay Panelo, ipinatutupad na ng gobyerno ang writ of kalikasan sa pamamagitan ng paglalagay ng coast guards sa lugar.
(with report from Jopel Pelenio)