Ipinag-utos ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. ang pagsasampa ng panibagong dimplomatic protest laban sa China.
Ito ay kaugnay ng ulat ng pagpasok ng ilang barko ng China sa Ayungin Shoal na isa sa inaangking teritoryo ng Pilipinas sa South China Sea at nakadaong ang BRP Sierra Madre.
Sa kanyang Twitter post, inatasan ni Locsin si Foreign Affairs Special Assistant Igor Bailen na isampa ang panibagong diplomatic protest.
Batay sa ulat ng Business World, ilang beses na dumaan sa Ayungin Shoal o Second Thomas Shoal ang barko ng China nang walang pahintulot mula sa Pilipinas.
Unang napaulat ang pagdaan ng limang barkong pandigma ng China sa Sibutu Strait sa Tawi-Tawi nang walang pahintulot sa mga opisyal ng Pilipinas noong Hulyo at Agosto.