Pinagtibay ng Pilipinas at China ang diplomatikong ugnayan sa kabila nang umiigting na tensyon sa West Philippine Sea at South China Sea.
Sa kanilang bilateral meeting ipinangako ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang pagkakaruon ng high quality at good impact na mga proyekto.
Sinaksihan nina Duterte at Xi ang paglagda ng dalawang bilateral agreements sa Great Hall of the People of China na palitan ng mga commitment ng Pilipinas at China hinggil sa production capacity at investment cooperation.
Naging saksi rin ang mga nasabing lider sa handover ng grant package ng China para sa drug abuse treatment at rehabilitation centers sa Saranggani at Agusan del Norte.
Sinabi ng Pangulong Duterte na ang Ikalawang Belt and Road Forum ay pagkakataon para ma renew at mapagtibay ang ugnayan ng dalawang bansa.
Tinawag namang genuine friend at trusted partner ni Xi ang Pangulong Duterte.