Kailangang maghunos dili ang Pilipinas sa China sa isyu ng West Philippine Sea sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Iginiit ni House Appropriations Committee Chair Eric Yap na mahalagang mapanatili ang diplomatic relationship sa pagitan ng China at Pilipinas
Para aniya mas lumakas ang tsansa ng Pilipinas na makuha ang bakuna sa COVID-19 sa sandaling maging available na ito sa China.
Binigyang diin naman ni Gabriela Party List Representative Arlene Brosas na hindi dapat gamitin ang pandemya para magsamantala ang China at ipagpatuloy ang pagtayo ng mga imprastruktura sa mga teritoryo ng Pilipinas.
Iginiit ni yap na hindi nagpapabaya ang pamahalaan sa usaping ito subalit hindi aniya maaaring isiwalat sa publiko ang mga hakbanging ginagawa ng gobyerno dahil sa security concerns.
Wala rin naman aniyang sapat ikabahala sa pagtatayo ng China ng mga imprastrucktura sa mga teritoryong sakop ng pilipinas dahil sa oras aniyang dumating ang tinatawag na day of reckoning ay sa mga Pilipino rin naman ito mapupunta.