Hindi pa malinaw sa ngayon kung isasama sa kauuna-unahang State Of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkapanalo ng Pilipinas sa inihain nitong kaso laban sa China
Kaugnay ito sa usapin ng Territorial Dispute sa West Philippine Sea na pinagpasyahan ng Permanent Court of Arbitration sa the Hague, Netherlands
Ayon kay Solicitor General Jose Calida, kasalukuyan pa rin niyang pinag-aaralan ang desisyon ng International Arbitral court kaya’t hindi pa siya makapagkokomento hinggil dito
Gayunman, sinabi ni Calida na ang diplomatikong pakikipag-usap pa lamang sa Tsina ang nakikita niyang posibleng paraan upang humupa ng tuluyan ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping