Nilinaw ng Bureau of Immigration na hindi kabilang sa travel ban ang lahat ng Pilipino at Foreign diplomats na darating mula sa red list countries kaya’t pinapayagan na silang makapasok ng Pilipinas.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, sa bagong polisiya ay papayagan ang diplomats na makalusot sa travel ban sa ilalim ng resolusyon ng Inter-Agency Task Force noong November 25.
Inatasan na anya nila ang kanilang Immigration officers sa iba’t ibang ports, maging sa mga foreign airline, kaugnay sa Travel Ban exemptions.
Kabilang din sa saklaw ng exemption ang mga opisyal ng gobyerno at kanilang delegasyon sa official travel abroad, philippine diplomats at kanilang dependents na babalik sa bansa at foreign service posts personnel na darating para sa Home Office Consultation o may mga approved leave of absence. —sa panulat ni Drew Nacino