Mananatili pa rin bilang Director General ng Bureau of Correction si director Gerald Bantag
Ayon kay DOJ secretary jesus crispin remulla, nitong nakalipas na buwan ng Marso direkta nang itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at pormal na nanumpa ito bilang director general ng BuCor.
Paliwanag ng kalihim, alinsunod aniya sa BuCor Act of 2013 ang director general ng BuCor na may tour of duty na hindi lalagpas sa anim na taon.
Kaugnay nito, kinumpirma rin ng kalihim na nakipagpulong na sa kanya si Bantag, subalit hindi naman isinawalat kung ano ang kanilang napag-usapan.