Pinabulaanan ng director ng Wuhan Institute of Virology sa China ang mga akusasyong nagmula sa kanilang laboratoryo ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Director of the Laboratory Yuan Zhiming, napaka-imposibleng manggaling sa kanila ang bagong strain ng coronavirus na sanhi ng COVID-19.
Aniya, walang kahit isa sa kanilang mga tauhan ang nahawaan ng sakit.
Iginiit din nito na nakatuon sa iba’t-ibang aspetong may kaugnayan sa coronavirus ang mga pag-aaral na kanilang isinasagawa.
Tiniyak din ni Yuan na ligtas at maayos na napapangasiwaan ng kanilang institusyon ang mga isinasagawang pag-aaral at paghawak sa mga viruses at sample.
Magugunitang, ilang beses nang iniuugnay sa Wuhan Institute of Virology ang new coronavirus disease dahil nasa pareho itong siyudad ng palengke kung saan nagsimula ang pagkalat ng virus.