Excited na si Direk Paul Soriano na masolo ang kanyang asawang si Toni Gonzaga.
Hindi man binanggit ni Direk Paul kung saang lugar ng kanilang magiging honeymoon ay siniguro nitong maging very memorable ito para sa kanila ni Toni dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakalabas sila na walang chaperone.
Sinabi pa ni Direk Paul na napagkasunduan nila ni Toni na hindi lang sa iisang lugar magpupunta para sa kanilang honeymoon kundi sa iba’t ibang lugar na hindi pa nila napuntahan together.
Matatandaang naging star-studded ang kasal ng dalawa kahapon na dinaluhan ng kanilang mga kaibiga sa loob at labas ng showbiz.
By Rianne Briones